Back to regular programming 

Kahit naghihingalo na ang blog ni Ella,  buhay pa naman si ate Ella. May wordpress.com pa. WordPress rules. I miss wrting for you, my friends.

Oist , teka, hindi pa pala naghihingalo ang blog ni Ella. Nag-lamiyerda lang LOLz. Read the blog’s latest entry here.

**************************************

Yes, malapit na ang Halloween! You know I love this day of the year.  Naatasan ang byuti kong  mag-host ng office Halloween party namin. Hmmm…a costume party for almost 200 people? Mahirap gawin, pero dapat cool ang dating.

I know, I know, parang may bahid colonial mentality ito, pero whatever, pagkakataon nang mag-costplay hehe :wink: Maisusuot ko na ulit ang mga wig kong  nabubulok  sa cabinet.

Ana: Ate, hindi nabubulok ang wigs noh!

Ako: Malay mo inamag na ang mga ‘yon? Kapag hindi naarawan, hindi inilalabas sa taguan, nabubulok ‘yon lol :lol:

Oops, baka i-quote na naman ‘to :roll:  Eniwey,  back to halloween. Wala yatang maisip na equivalent ng All Hallow’s Eve ang mga Pinoy. Wala tayong araw na inilaan para sa mga local  mangkukulam.

The next best thing? Kopyahin. At least nakakadagdag ng ganansya. Tumataas ang benta ng mga bookstores, nagkakaroon ng dagdag-kita ang mga mananahi dahil sa mga halloween parties. Katulad ng costume ko, I ordered it online pero nung dumating siya, hala, dalawang tao yata ang kasya. Nagpatawag ako ng modista para ipa-repair siya. Extra income din niya ‘yon.

Siguro kaya wala tayong halloween, boring ang image ng mga mangkukulam natin. Like wala silang drama.

Una hindi sila sumasakay sa walis. Panlinis lang nila ‘yon ng basura. Sa pedicab, traysikel o dyip? Nah, nakakatakot ba ‘yon? At saka naunahan na sila ng MMDA sa walis na may mahabang tangkay hehe.

Pangalawa, wala silang kulugo sa ilong. Eh saan mo pa ilalagay ang kulugo, wala na nga tayong ilong? Puwede kaya sa gitna ng baba sabay may buhok? Yuuuck  eeew hehe :cool: Wait, nunal yata ‘yon.

Pangatlo, wala silang malaking kaldero. Kawa ba ang tawag doon? Teka lang ha, maghahanap ako ng pikcher to differentiate kawa at kaldero :wink:

witchEto po ang kawa at malaking ilong na may kulugo sa dulo. Nailabas ko na dati kung ano ang itsura ng kaldero :wink: At saka lugaw lang yata ang niluluto sa mga kawa dito.

Nasaan na ba ako? Ah, oo nga pala, sa Halloween party namin. Ang cute ng costume ni ate Ella, ‘kala ‘nyo. Abangan ‘nyo na lang ang pikchers. No stolen shots. Todo pose po ito :evil:

P.S. How are you my friends? I missed you. Isang linggo yata akong nawala. Natabunan ako sa kabila eh. Had to shut everything off manually. Eh ang dami po. Di bale dito na lang uli tayo magkwentuhan. Labyu all.

finalellarosesig