Updates from November, 2009 Toggle Comment Threads | Keyboard Shortcuts

  • ella 5:51 pm on November 29, 2009 Permalink | Reply  

    Pagkahaba-haba man daw ng prusisyon… 

    From the comment box:

    Bebe: “bakit wala nang update ng wedding?”
    Harcy: “yup ate, what na nangyari kay pixelheart mo?”

    white

    Pagkahaba-haba man daw ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.

    Warning: Wala pong romantic kilig sa post na ito. This is the real deal about church weddings in the Philippines.

    Like what I said in my previous post ( na reposted). Halata bang panay ang repost? hehe :roll:

    Every bride-to-be has nurtured that dream wedding in her heart mula pa nang magka-isip siya. Na feeling prinsesa siya at extra lang si Prince Charming sa wedding niya kahit pa it’s all about changing her name to Mrs. Charming. Totoo pa rin ito.

    Wedding plans

    We planned the wedding for June 2010. Pero dito sa Pilipinas, kailangang magpa-book ka isandaang taon before the date of the wedding or else wala ka nang slot anywhere, sa simbahan man o sa venue ng reception.

    Sa umpisa pa lang, naba-bad trip na ako sa kalokohang ito. Meron akong pinsan, sa 2011 pa ang kasal nila, pero naka-book na sila sa simbahan at venue ng reception. As in may wedding planner pa sila nang lagay na ‘yon ha. And booking is synonymous to a huge downpayment, of course.

    Three years in advance? Medyo abuso, di ba? But it’s the name of the game called wedding planning dito sa atin.

    Hindi ko alam kung bakit biglang nauso sa Pinas ang wedding planners. Never heard sa atin ‘yan before JLo’s movie but whatever, hindi ako nabentahan eh. Of course I want my wedding to be perfect, but not to the point of hiring people I don’t even know to take over THE MOST AWAITED EVENT of my life.

    It’s a bit too much for me. Feeling ko magiging “palabas” ‘yung kasal ko eh. You know, parang program na may audience.

    Kasalan sa simbahan

    Do-it-yourself kami ni Boo kaya napuntahan na yata namin ang lahat ng simbahan. Kapag may krus sa tuktok ng building, tatanungin namin kung MAGKANO ang singil nila sa kasal. Na-discover ko, ‘yan palang malalaking simbahan, eh parang mga 5-star hotels in disguise.

    For a wedding ceremony, the use of the aisle, the red carpet, the altar, and the pews, 15-25 thousand pesos ang singil nila. Para sa isang MISA lang ‘yon ha. Now, if I do my twisted math, P300,000 ang babayaran ko kung gusto ko ng 12-hour wedding mass! :shock:

    Kapag na-late ka pa ng dating sa sarili mong wedding, for whatever reason, forfeited ang binayad mo. Malupit ba?

    May bonus naman, kasama  sa presyo ang walang kamatayang picture taking ng mga kamag-anak sa harap ng altar. Wait, limited din pala ang poto op. No more than one hour ang picture-taking.

    Parang “rush ID photo” siguro ang shoots ng bride and groom, the couple with the parents of the bride, parents of the groom, immediate family of the bride, immediate family of the groom, secondary sponsors, bridesmaids and groomsmen. Ni walang time to pose or powder the bride’s nose. Isang oras lang ang piktyuran, remember? Eh kung isang barangay ang kamag-anak mo?

    San Agustin church charges P25,000. Santuario de San Antonio in Forbes Park, P25,000 din pero may pagka-discriminating sila. If you’re a member of the parish , meaning sa Forbes Park, Dasmarinas Village o sa Urdaneta Village ka nakatira, open ang slots nila for weddings on Saturdays or Sundays. Kung sa Barangay Pembo ka galing, pang-weekdays ka lang, asa ka pa.

    Dati, you can get a Catholic priest na magkakasal sa iyo kahit saan mo gustong ikasal. As in kahit sa ibabaw ng bulkan mo gustong gawin ang seremonyas, may makukuha kang pari for the wedding rites. Ngayon hindi na puwede ‘yon. Dapat sa simbahan ka ikasal.

    Oh well, business is business. Getting with the times na rin ang ang mga mansion ni Lord. But they also have mass weddings daw. For the “less privileged”, I suppose. Good PR pa rin.

    Kung medyo kapos tayo sa budget, huwag nang umasang mabasbasan ng pari ang kasal natin sa malalaking simbahan. Doon na lang tayo sa mga maliliit na kapilya, mga sampung tao lang ang kasya. Baka puwede pang libre, papa-kapehin lang si Father na may kasamang ensaymada.

    The sacrament of marriage

    Syempre pa, habang nagka-canvass kami ng simbahan, unti-unti na akong nadidismaya sa mga singil nila. Nakakakilabot ang term na “canvassing” kapag ginamit mo sa simbahan, pero ‘yun ‘yon eh. You really COMPARE PRICES.

    Somebody warned me before posting this that I shouldn’t mess with our  “simbahan” or the Catholic Church pero nakakawindang ang na-diskubre ko. This is the truth about church weddings nowadays. That it will cost us an arm and a leg for a priest to perform a SACRAMENT of the church IN A CHURCH.

    From About.com:

      “The seven sacraments—Baptism, Confirmation, Holy Communion, Confession, Marriage, Holy Orders, and the Anointing of the Sick—are the life of the Catholic Church. Each sacrament is an outward sign of an inward grace.When we participate in them worthily, each provides us with graces—with the life of God in our soul. In worship, we give to God that which we owe Him; in the sacraments, He gives us the graces necessary to live a truly human life.”

    Uhuh, graces are good, but with the high cost of the sacrament of marriage? Hmmm…isn’t it better to live “out of grace” na lang? And worry about burning in hell later?

    Note: Last weekend, we checked out the church inside the village where we bought our house. It was big and beautiful, with walls made of stained glass. The ambiance was serene and peaceful. The parish priest was very accommodating and offered a lot more for a measly P5,000.

    Ah, thank God, may pag-asa pa pala ang sacraments Niya. ‘Yun nga lang hindi masyadong “SIKAT” ang lalakaran mong aisle patungo sa altar hehe :wink:  Ok lang lang sa akin ‘yon.

    Note 2: I can go with a civil wedding only but not my Boo. Know why? Seminarista dati ang fiancee ko.  Dapat may basbas ng simbahan ang kasal namin o ‘wag na lang! O di vah? Cool :smile:

    Part 2 – The Caterers

     
    • bianca 6:41 pm on November 29, 2009 Permalink | Reply

      wow negosyo ng simbahang katoliko wtf..

    • harcy 11:49 pm on November 29, 2009 Permalink | Reply

      OMG! pag kami na pala ang ikakasal kamusta naman ang bayad. Kelangan pala tumulo ang sandamakmak na pawis at sipon para makapagpakasal ka sa simbahan nowadays…
      tsk. tsk tsk.

    • emily 5:34 am on November 30, 2009 Permalink | Reply

      Hayaan mo na lang na sa medyo maliit at hindi kilalang simbahan ka ikakasal..as long as forever naman ang marriage ninyo. Karamihan sa mga ikinakasal ( hindi lahat ha..) sa mga sikat at malalaking simbahan ay hindi nagtatagal ang samahan.

    • malejandria 11:12 am on November 30, 2009 Permalink | Reply

      Do what both of you please on your Day, lady Ella. Afterall, it’s the years after your wedding day that is more important than anything else. Mahirap mag-umpisa sa wala, dahil nagastos nyo lahat sa wedding day. I know a couple who are both OFW like me and worked hard for a couple of years saving for their wedding day. Imagine saving for two years only to spend it in one day. Para sa akin, nawala na ang sense ng wedding dun. They pleased a lot of people, and people were impressed, but after that, nag-umpisa na naman silang kumayod ng husto. Sa amount ng nagastos nila, pwede ng pambili ng simpleng bahay sana. Di ba, mas importante na may masilungan ka after your wedding day?

    • nikki 2:47 pm on December 2, 2009 Permalink | Reply

      Ella, iba pa ang bayad kung gagamit kayo ng aircon. :-(

    • imakeshoes 5:14 pm on December 2, 2009 Permalink | Reply

      i find it a bit unfair nowadays,weddings was suppose to be sacred and open to all. how come now…its like if you don’t have money to spend you cannot get married. also as i have observed, many choose to live together nlng, or go for a civil wedding. when i ask them why not get married in a church? they say they want to as to receive the blessing and graces from God, but they don’t have the budget. =(

    • andeng 3:54 pm on December 6, 2009 Permalink | Reply

      mahal naman nyan. i really don’t get it bakit ganun yung presyo. kung lalagyan ng price tag dapat reasonable naman. but i don’t agree na sa loob lang ng simbahan makukuha yang grace na yan. so kung wala kang pera wala ka na ring basbas?

      someone told me na ang totoong nagkakasal ay ang LORD, kumbaga e representative lang Niya yun, ke pari or huwes o pastor yung nagkasal. at kahit saang lugar pa yun.

      and the wedding is actually a civil ceremony daw…yung marriage ang spiritual :-).

    • katrina 3:20 am on December 12, 2009 Permalink | Reply

      hehehe..huli pala ako. nandito pala ang update tungkol sa wedding.

  • ella 12:14 am on November 25, 2009 Permalink | Reply  

    It’s her day! 

    To Maria,

    Ei gurlfriend, dito ko na lang ni-repost. Parang mas bagay siya dito, eh. And a big fat gratz to your cuz. Weddings are the real feel good stories, sa totoo lang po.

    This repost from Blog ni Ella on 10/18/2009 was requested by Maria.

    bride

    Show me a girl who didn’t have fantasies about her wedding day and I’ll show you a  dull, corny, ho-hum blah.

    Lahat ng babae, dear boys, lahat kami ay may perfect dream wedding tucked away somewhere in our private dreamland since we were daddy’s little girls.

    Hindi mahalaga kung sino man ang ilalagay namin bilang prince charming -slash- knight in shining armor -slash- my hero -slash – labopmaylayp sa slot ng lalaking naghihintay sa altar.

    Nope, it never really mattered. Because, sa totoo lang, dear ones, this single perfect moment in time is our fucking birthright!! hmp :twisted:

      “it’s all about the bride. It’s her day. You (the groom) are only a guest at her wedding.”

    Aaaww words of truth and wisdom from the mouth of our very wise and avant garde officiating priest/marriage counselor. Ito ang una niyang sinabi sa aking groom to be. Dahil dito, na-convert akong bigla. Gusto ko na tuloy magsimba tuwing Linggo :smile:

    At ang nakakatuwa pa, ako lang ang hinarap ni father. As in he threw all the wedding questions at me and me alone. Is it really what I want? Do I want a simple or a grand wedding? Is it going to be a small chapel or a humongous echo-ish cathedral? Singular “you”, not plural hehe Good times, good times.

    Nagmukhang bodyguard ko si Boo na nagmamasid-masid na lang sa paligid. Walang magawa kasi hindi siya kasali. Nagbasa na lang tuloy ng bibliya si lab LOLz :lol:

    Our priest had me at that first sentence. We’ll have many more sessions with him before the wedding. He definitely knows what he’s talking (marrying) about.

    A girl’s wedding day is the only day in her life when she’s the major celebrity. Siya ang starring, siya ang bida, siya ang drama queen. And all she has to do is look awesome and blush prettilly.

    bride 1
    Yup, it’s all about bridezilla at wala na pong iba hehe

    P.S.

    Cute video (ingat,  ‘wag masyadong mag-enjoy  :wink: )

     
    • bebe 12:48 am on November 25, 2009 Permalink | Reply

      bakit wala nang update ng wedding?

      just asking

    • harcy 3:29 am on November 25, 2009 Permalink | Reply

      yup ate, what na nagyari kay pixelheart mo….musta na pala yung plano nya sayo? (yung 200Php per day hehehehe)

      Siguro ang saya saya ng magiging wedding mo, pag nagawa na yung wed gown at suot mo na post mo yung pic ha! Mwuah!

    • nikki 10:50 pm on November 25, 2009 Permalink | Reply

      Happy birthday my friend! Everything your heart desires is my wish for you today and always. May you have more to come.

      Mmmwaaah!

      P.S.
      Sasali na din ako sa kanila… wala bang wedding
      update? :-D

    • crazyme 8:21 pm on November 26, 2009 Permalink | Reply

      hi ate ella! Happy Birthday! Godbless! honestly lately ko lang nadiscover yung blog mo thru fhm. instant fan mo agad ako. Goodluck sa career at sa lablayp. Posible pa ba na makabili ng book mo na may autograph?:-D

  • ella 1:01 pm on November 16, 2009 Permalink | Reply  

    Ang pera at ang kaluluwa 

    Dear ate Ella,
    Bakit Ang Bilis Bitawan ng Pera?
    Harcy

    Sabi ni Lolo Hugo, ang pera ay palamuti lang sa buhay ng tao. Dahil masunurin akong bata at nakikinig sa matatanda, sinusunod ko ang payo niya. Nauubos ang pera ko sa kakabili ng mga palamuti sa buhay, sa bahay, sa sarili ko at kung saan-saan pa LOL :twisted:

    Pera - salapi, kuwarta, moolah, dinero, cash, shit, bucks

    Palamuti - dekorasyon, borloloy, bling, dagdag-drama, hindi mahalaga, panlabas-anyo, pampaganda.

    Hmmm…if we focus on the meaning of palamuti, tama ang matanda.

    Meron pang isang worth looking at:

    “For the love of money is the root of all evil: which while some coveted after, they have erred from the faith, and pierced themselves through with many sorrows.” Timothy 6:10.

    Sa paglipas ng panahon, umikli na ang original bible quote sa: Money is the root of all evil.

    Money is power. Power corrupts. Absolute power corrupts absolutely.

    And my favorite:

    For what shall it profit a man, if he shall gain the whole world, and lose his own soul? Mark 8:36.

    The bottom line, therefore, Harcy, my dear, is what role money plays in your life.

    Sa tanong mong “Bakit Ang Bilis Bitawan ng Pera?, simple lang ang sagot ko. Kasi galit ka sa pera nyahaha :lol: Oy, hindi ito joke.

    Ang isyu mo kasi eh bakit mabilis mo siyang bitawan, not, “why is there always not ENOUGH to throw around” ? Meaning, ke konti, ke sandamukal ang pera, mabilis mo siyang bitawan. “Bitawan” is the operative word here. Sa Inglis, “let go of something”.

    Ergo, hindi ka slave ng pera, siya ang slave mo. Hindi ka niya alipin dahil binibitawan mo siya agad…kung kailangan, kung may gusto ka o dahil wala lang.

    As long as we do not use money para manlait ng kapwa, para gumawa ng masama na ikapapahamak ng iba, gamitin sa mga bisyong nakakasakit ng sarili at ng iba, I don’t see anything wrong sa “madaling magbitaw” ng pera. You are just enjoying the fruits of your hard work.

    Ika nga sweetie, hindi mo madadala ang pera mo sa hukay. Hindi mo rin pwedeng ipang-lagay ‘yan kay San Pedro para makapasok ka sa pearly gates hehe :lol: Enjoy it while you can.

    Kung ipapamana mo naman ‘yan sa mga anak mo, sus, baka pag-awayan pa. Hayaan mo silang tumindig sa sarili nilang paa. The greater the challenge, the stronger we become.

    And this I also totally believe in my heart, Harcy, my friend. God provides. He knows what we need, when we need it and how much of it we need. All we have to do is ask Him in all humility pero puwede siyang tumanggi. Because He is the only one who knows what’s good for us.

    Matthew 7:11
    If you then, being evil, know how to give good gifts to your children, how much more will your Father who is in heaven give what is good to those who ask Him!

    Teka lang, bakit napunta ako sa bible? Kanina pa eh. Hehe halata ba, religious pala ang ate Ella ‘nyo? Sikret nga lang hehe :wink:

    praying

     
    • harcy 9:52 pm on November 16, 2009 Permalink | Reply

      Ate many thanks sa pag-eenlighten mo sa naguguluhan kong isip ah, god knows what best for us.

      Thanks talaga for being a good listener and advicer, you don’t know how much i appreciate it…. Mwuah!

    • anino 10:52 pm on November 18, 2009 Permalink | Reply

      kalain mo un.. dami ko napulot dito ah!.. salamat sa iyong katanungan, harcy.. nanginabang din ako sa makabuluhan at makatotohanang sagot ni EllaGanda.. naitatanong ko rin kasi yan minsan..

      tama.. God provides.. at naniniwala rin ako na pag mabilis kang bumitaw ng pera, mabilis rin ang balik at dating nito sayo..

      • harcy 9:56 pm on November 19, 2009 Permalink | Reply

        welcome poh at nakarelate ka din sakin….

        Tama naman talaga si ate ella at ikaw poh eh!
        Alam ni god kung anong makakabuti sa atin..

c
Compose new post
j
Next post/Next comment
k
Previous post/Previous comment
r
Reply
e
Edit
o
Show/Hide comments
t
Go to top
l
Go to login
h
Show/Hide help
shift + esc
Cancel
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.