Ang pera at ang kaluluwa

Dear ate Ella,
Bakit Ang Bilis Bitawan ng Pera?
Harcy

Sabi ni Lolo Hugo, ang pera ay palamuti lang sa buhay ng tao. Dahil masunurin akong bata at nakikinig sa matatanda, sinusunod ko ang payo niya. Nauubos ang pera ko sa kakabili ng mga palamuti sa buhay, sa bahay, sa sarili ko at kung saan-saan pa LOL :twisted:

Pera - salapi, kuwarta, moolah, dinero, cash, shit, bucks

Palamuti - dekorasyon, borloloy, bling, dagdag-drama, hindi mahalaga, panlabas-anyo, pampaganda.

Hmmm…if we focus on the meaning of palamuti, tama ang matanda.

Meron pang isang worth looking at:

“For the love of money is the root of all evil: which while some coveted after, they have erred from the faith, and pierced themselves through with many sorrows.” Timothy 6:10.

Sa paglipas ng panahon, umikli na ang original bible quote sa: Money is the root of all evil.

Money is power. Power corrupts. Absolute power corrupts absolutely.

And my favorite:

For what shall it profit a man, if he shall gain the whole world, and lose his own soul? Mark 8:36.

The bottom line, therefore, Harcy, my dear, is what role money plays in your life.

Sa tanong mong “Bakit Ang Bilis Bitawan ng Pera?, simple lang ang sagot ko. Kasi galit ka sa pera nyahaha :lol: Oy, hindi ito joke.

Ang isyu mo kasi eh bakit mabilis mo siyang bitawan, not, “why is there always not ENOUGH to throw around” ? Meaning, ke konti, ke sandamukal ang pera, mabilis mo siyang bitawan. “Bitawan” is the operative word here. Sa Inglis, “let go of something”.

Ergo, hindi ka slave ng pera, siya ang slave mo. Hindi ka niya alipin dahil binibitawan mo siya agad…kung kailangan, kung may gusto ka o dahil wala lang.

As long as we do not use money para manlait ng kapwa, para gumawa ng masama na ikapapahamak ng iba, gamitin sa mga bisyong nakakasakit ng sarili at ng iba, I don’t see anything wrong sa “madaling magbitaw” ng pera. You are just enjoying the fruits of your hard work.

Ika nga sweetie, hindi mo madadala ang pera mo sa hukay. Hindi mo rin pwedeng ipang-lagay ‘yan kay San Pedro para makapasok ka sa pearly gates hehe :lol: Enjoy it while you can.

Kung ipapamana mo naman ‘yan sa mga anak mo, sus, baka pag-awayan pa. Hayaan mo silang tumindig sa sarili nilang paa. The greater the challenge, the stronger we become.

And this I also totally believe in my heart, Harcy, my friend. God provides. He knows what we need, when we need it and how much of it we need. All we have to do is ask Him in all humility pero puwede siyang tumanggi. Because He is the only one who knows what’s good for us.

Matthew 7:11
If you then, being evil, know how to give good gifts to your children, how much more will your Father who is in heaven give what is good to those who ask Him!

Teka lang, bakit napunta ako sa bible? Kanina pa eh. Hehe halata ba, religious pala ang ate Ella ‘nyo? Sikret nga lang hehe :wink:

praying