Pagkahaba-haba man daw ng prusisyon… 

From the comment box:

Bebe: “bakit wala nang update ng wedding?”
Harcy: “yup ate, what na nangyari kay pixelheart mo?”

white

Pagkahaba-haba man daw ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.

Warning: Wala pong romantic kilig sa post na ito. This is the real deal about church weddings in the Philippines.

Like what I said in my previous post ( na reposted). Halata bang panay ang repost? hehe :roll:

Every bride-to-be has nurtured that dream wedding in her heart mula pa nang magka-isip siya. Na feeling prinsesa siya at extra lang si Prince Charming sa wedding niya kahit pa it’s all about changing her name to Mrs. Charming. Totoo pa rin ito.

Wedding plans

We planned the wedding for June 2010. Pero dito sa Pilipinas, kailangang magpa-book ka isandaang taon before the date of the wedding or else wala ka nang slot anywhere, sa simbahan man o sa venue ng reception.

Sa umpisa pa lang, naba-bad trip na ako sa kalokohang ito. Meron akong pinsan, sa 2011 pa ang kasal nila, pero naka-book na sila sa simbahan at venue ng reception. As in may wedding planner pa sila nang lagay na ‘yon ha. And booking is synonymous to a huge downpayment, of course.

Three years in advance? Medyo abuso, di ba? But it’s the name of the game called wedding planning dito sa atin.

Hindi ko alam kung bakit biglang nauso sa Pinas ang wedding planners. Never heard sa atin ‘yan before JLo’s movie but whatever, hindi ako nabentahan eh. Of course I want my wedding to be perfect, but not to the point of hiring people I don’t even know to take over THE MOST AWAITED EVENT of my life.

It’s a bit too much for me. Feeling ko magiging “palabas” ‘yung kasal ko eh. You know, parang program na may audience.

Kasalan sa simbahan

Do-it-yourself kami ni Boo kaya napuntahan na yata namin ang lahat ng simbahan. Kapag may krus sa tuktok ng building, tatanungin namin kung MAGKANO ang singil nila sa kasal. Na-discover ko, ‘yan palang malalaking simbahan, eh parang mga 5-star hotels in disguise.

For a wedding ceremony, the use of the aisle, the red carpet, the altar, and the pews, 15-25 thousand pesos ang singil nila. Para sa isang MISA lang ‘yon ha. Now, if I do my twisted math, P300,000 ang babayaran ko kung gusto ko ng 12-hour wedding mass! :shock:

Kapag na-late ka pa ng dating sa sarili mong wedding, for whatever reason, forfeited ang binayad mo. Malupit ba?

May bonus naman, kasama  sa presyo ang walang kamatayang picture taking ng mga kamag-anak sa harap ng altar. Wait, limited din pala ang poto op. No more than one hour ang picture-taking.

Parang “rush ID photo” siguro ang shoots ng bride and groom, the couple with the parents of the bride, parents of the groom, immediate family of the bride, immediate family of the groom, secondary sponsors, bridesmaids and groomsmen. Ni walang time to pose or powder the bride’s nose. Isang oras lang ang piktyuran, remember? Eh kung isang barangay ang kamag-anak mo?

San Agustin church charges P25,000. Santuario de San Antonio in Forbes Park, P25,000 din pero may pagka-discriminating sila. If you’re a member of the parish , meaning sa Forbes Park, Dasmarinas Village o sa Urdaneta Village ka nakatira, open ang slots nila for weddings on Saturdays or Sundays. Kung sa Barangay Pembo ka galing, pang-weekdays ka lang, asa ka pa.

Dati, you can get a Catholic priest na magkakasal sa iyo kahit saan mo gustong ikasal. As in kahit sa ibabaw ng bulkan mo gustong gawin ang seremonyas, may makukuha kang pari for the wedding rites. Ngayon hindi na puwede ‘yon. Dapat sa simbahan ka ikasal.

Oh well, business is business. Getting with the times na rin ang ang mga mansion ni Lord. But they also have mass weddings daw. For the “less privileged”, I suppose. Good PR pa rin.

Kung medyo kapos tayo sa budget, huwag nang umasang mabasbasan ng pari ang kasal natin sa malalaking simbahan. Doon na lang tayo sa mga maliliit na kapilya, mga sampung tao lang ang kasya. Baka puwede pang libre, papa-kapehin lang si Father na may kasamang ensaymada.

The sacrament of marriage

Syempre pa, habang nagka-canvass kami ng simbahan, unti-unti na akong nadidismaya sa mga singil nila. Nakakakilabot ang term na “canvassing” kapag ginamit mo sa simbahan, pero ‘yun ‘yon eh. You really COMPARE PRICES.

Somebody warned me before posting this that I shouldn’t mess with our  “simbahan” or the Catholic Church pero nakakawindang ang na-diskubre ko. This is the truth about church weddings nowadays. That it will cost us an arm and a leg for a priest to perform a SACRAMENT of the church IN A CHURCH.

From About.com:

    “The seven sacraments—Baptism, Confirmation, Holy Communion, Confession, Marriage, Holy Orders, and the Anointing of the Sick—are the life of the Catholic Church. Each sacrament is an outward sign of an inward grace.When we participate in them worthily, each provides us with graces—with the life of God in our soul. In worship, we give to God that which we owe Him; in the sacraments, He gives us the graces necessary to live a truly human life.”

Uhuh, graces are good, but with the high cost of the sacrament of marriage? Hmmm…isn’t it better to live “out of grace” na lang? And worry about burning in hell later?

Note: Last weekend, we checked out the church inside the village where we bought our house. It was big and beautiful, with walls made of stained glass. The ambiance was serene and peaceful. The parish priest was very accommodating and offered a lot more for a measly P5,000.

Ah, thank God, may pag-asa pa pala ang sacraments Niya. ‘Yun nga lang hindi masyadong “SIKAT” ang lalakaran mong aisle patungo sa altar hehe :wink:  Ok lang lang sa akin ‘yon.

Note 2: I can go with a civil wedding only but not my Boo. Know why? Seminarista dati ang fiancee ko.  Dapat may basbas ng simbahan ang kasal namin o ‘wag na lang! O di vah? Cool :smile:

Part 2 – The Caterers