Little house on the prairie
Image from Little House on the Prairie.com
Ewan ko kung ano ‘yung prairie pero maganda pakinggan eh. Kasi ‘yon ang description ng bahay na nabili namin. “Little”. Kailangang idagdag ang prairie para hindi magmukhang kawawa hehe. Sabi ni Ana, kapag may bisita akong lima, nakatayo na lang kami lahat.
Ang sakit namang magsalita ng babaeng ‘to pero sabi ko naman kapag anim ang dumating, sa labas na lang ako kasama ng aso ni Boo nyahaha!
Hay naku, lagi naming sinisilip ang bahay na ‘yon. Kailangan daw makita namin ang paligid sa gabi. Kesyo kailangan daw malaman namin kung anong oras siya trapik sa umaga. Kailangang hanapin daw namin kung nasaan ang malapit na simbahan.
Mga palusot lang ni Boo ‘yon. Hindi niya ma-contain ang excitement niya eh. Sus, lalo ko tuloy minahal ang lalaking ito. Para kasing batang nakakuha ng gift sa ilalim ng Christmas tree galing kay Santa.
Dalawang linggo na ang lumipas, parang kahapon lang nangyari. Hindi mabura ang ngiti. Parang permanenteng naka-drowing sa mukha niya. Pucha, kahit siguro natutulog naka-smile pa.
Can’t blame the guy, if you think about it. Ang bata pa niya, may naipundar na siyang bahay. Every square inch of it, maipagmamalaki niyang kanya. To top it all, wala akong na-share doon kahit isang pisong duling. Inipon niyang mag-isa ang pang-down payment.
Pucha, ako pa ang aasahan niyang mag-ipon? Baka sa next millenium na kami makabili ng bahay hehe. Kapag nakakita ako ng gusto ko, bili dito, bili doon. Kaya ayun, nagsisimula na kaming mag-set ng ground rules sa aming married life. Sa paghawak ng pera, lalo na.
Dahil alam kong wala akong pakundangang gumasta, pumayag akong siya ang mag-iipon ng suweldo naming dalawa. Malaki kasi ang monthly hulog namin sa bangko para sa housing loan.
Boo: Gugupitin natin ang mga credit cards mo. Tapos may daily allowance ka.
Ako: What? Credit cards ko? Noooo! Joskoh, magwi-withdrawal symptoms ako niyan, Boo. Maawa ka. Teka, magkano naman ang allowance ko?
Boo: P200. Sobra na ‘yon sa lunch at meryenda mo.
Ako: What the…? Ano ako, bata? Oy baon lang sa eskwela ‘yon ah. Sobra ka namang maka-maltrato. Wife abuse. Ground for divorce.
Boo: Hatid at sundo naman kita ah. Wala ka nang ibang gastos. Igagawa pa kita ng sandwich araw-araw.
Ako: Eh kung may emergency, wala akong extra money? Wala pa akong credit card?
Boo: Anong emergency? Nasa opisina ka lang naman ah.
Ako: Biglaang sale sa mga mall? Hindi ba emergency ‘yon? Gusto mo ba akong ma-dehydrate dahil sa sobrang pagtulo ng laway?
Napakamot na lang ng ulo si Boo. Iling nang iling. Feeling ko nagkakaroon na siya ng second thoughts. At saka third…at fourth. Hehe








emily 6:38 am on November 14, 2009 Permalink |
Congratulations!!! Fan na ako ni Boo. Responsible siya
Teresita Reboso 8:46 am on November 14, 2009 Permalink |
Ako rin Fan ni Boo- Mo. Wa na talaga akong say sa Boo- Mo.
Pls tell hindi totoo na may budget na dalawang daan duling na peso, ay soy sauce.
I will tell you what OTB means soon okay ellaganda?
Tess
andeng 5:22 pm on November 14, 2009 Permalink |
hindi lang pala siya sweet, ang galing ni boo te. come to think of it, ilang ka-edad niya ang ganyan din magisip? swerte ka, at si ama sa manugang niya hehe..
harcy 4:50 am on November 15, 2009 Permalink |
ang cute niyo talagah as in ate…
kakatuwa kayo, for sure ang lovelife niyo pag naging mag asawa na talaga kayo is full of spices and lots of excitement
cyvalenzuela 6:53 am on November 15, 2009 Permalink |
Ate help pls….
Question: Bakit Ang Bilis Bitawan ng Pera?
Teresita Reboso 11:43 am on November 15, 2009 Permalink |
Not always true that ang Pera ay Mabilis bitawan.
Depende sa pinangagalingan ng pera, and depende sa kaalaman ng isang may hawak na pera.
Higit sa lahat, ay kung gaano kamaterialista ang may hawak ng pera.
harcy 9:41 pm on November 15, 2009 Permalink |
tnx poh! yup I agree but minsan kasi mahirap makaiwas sa tukso lalo na pag sila ang lumalapit sayo…hehehe…
Teresita Reboso 5:00 am on November 16, 2009 Permalink |
“mahirap makaiwas ”
True enough,kaya nga tinawg na tukso, dahil lumalapit eh,
diba?
emily 3:56 pm on November 15, 2009 Permalink |
Ella,
Bakit sa kabilang bahay mo, hindi ko masyadong mabasa ang entry mo? Nasa side bar at putol pero empty ang gitna.
Ano kaya ang regalo ni Boo sa bertday mo? ^_^
ella 10:05 pm on November 15, 2009 Permalink |
I tried to fix it again. Ewan ko ba kung bakit laging nagloloko ang blog ko sa kabila. Tinanggal ko na naman ang plugins. Ok na yata siya ngayon.
emily 10:45 pm on November 15, 2009 Permalink |
yup. OK na siya. Salamat!
nikki 1:27 pm on November 16, 2009 Permalink |
nakakatuwa naman si boo pero alam mo, may feeling ako na pagbibigyan ka pa din nya sa mga shopping mo paminsan-minsan because he knows its going to make you happy.