Sukob

Updates on the wedding plans: Wala po, sorry. Ito po ay dahil sa sumusunod.

Marami tayong kasabihan o superstitious beliefs pagdating sa kasalan. Halos lahat na nga yata  ng mga desisyon tungkol sa kasal eh base sa mga kasabihang ito.  At ang pinakamatindi o “nakakatakot” na hindi sundin ay ang tinatawag na SUKOB.

Sabi ng matatanda, kapag “sukob” daw ang magkapatid na ikakasal, aabutin sila ng walang katapusang kamalasan. Sukob here means the siblings marry in the same year.

May isa pang klaseng sukob. Ito ay sukob sa patay (death in the family). This belief warns that if a member of the immediate family of either the bride or the groom-to-be dies, they should wait for another year before tying the knot. Hihintayin munang magbabang-luksa, which coincides with the first death anniversary of the deceased.

Naikwento ko sa Blog ni Ella na nagpunta ako  sa Tarlac kasama si Tatay at Ana noong last weekend of November. Namatay po ang Papang ni Boo. We stayed with him during the first few days of the wake. Bumalik ako  sa Tarlac the next weekend to attend the funeral.

Bunso si Boo kaya you can imagine his  grief over his father’s passing. Mas naawa  ako sa mother niya.  After more than 50 years of being together, naiwan na siyang mag-isa.

Pinag-usapan ng buong pamilya ang kasal namin pagkatapos ng libing. Lahat ng members ng family ni Boo expected that the June wedding next year will be moved. Of course it will.

Hindi na ako kailangang takutin ng kasabihan sa sukob. Out of respect for their loss,  hihintayin kong magbabang-luksa si Mamang, si Boo at ang mga kapatid niya.

Ika nga ni ama, makakapaghintay naman ang pag-aasawa.

About these ads