Updates from ella Toggle Comment Threads | Keyboard Shortcuts

  • ella 12:51 pm on June 10, 2010 Permalink | Reply
    Tags: , Sony Sale   

    In-your-face thingies 

    Hehe akshuli it’s in OUR face.

    A couple of weekends ago, nagkaroon ng huge sale ang Sony. Dahil wala pa nga kami kahit anong major appliance, sumugod kami ni Boo sa sale to buy a TV set for our little house. A 32 inch W series Bravia would be nice…or whatever was available sa budget namin.

    Maaga kami ng Saturday, second day of the 3-day sale. Big mistake. Halos wala na kaming inabutan. Up to 50% ang discount on all items. People gobbled them up. Ang daming nagkaskas ng credit cards hehe. Kasama na kami doon, of course.

    Dahil ‘yon na lang ang last sa mga TVs (ubos na ang W series), napilitan na kaming kunin ang 40 inch V series ng Bravia.

    Sony sale

    sale

    Nag-stop over pa ako dito ng matagal. Hinila ako ni Boo, 'Focus, baby, focus'. Hehe

    box

    We wanted a 32'' Bravia pero konti lang ang diperensiya sa presyo sa 40 in. TV

    box 2

    Shoot, we had to decide fast. Dalawa na lang 'yung natira sa 40'', nabili pa nung mama 'yung isa. Pinabuksan ni Boo 'yung last box. No turning back now.

    If you remember, I bought a 40” Bravia for Tatay a couple of years ago. It was the latest series then. Nalungkot ako ng konti. Kalahati na lang kasi ang presyo niya even with all the goodies thrown in. Marami na kasing kasunod na model.

    Eniweys, nagtatalo kami ni Boo kung saan siya ilalagay because I was pretty sure a 40 inch TV is too big for any of the rooms. Pero syempre, masaya pa rin dahil we have our own TV na, di ba? So, ayun, bumili na rin kami ng TV rack, pilit na isiniksik sa kotse lahat, inuwi sa munting bahay and Boo set it up sa sala.

    We settled on the sofa. Binuksan ang TV. WHOA!! Amfotah, feeling ina-attack kami ng TV! Waaaah! :cry:

    tv

    See? Nakadikit na ang dulo ng sofa sa TV. Pucha, in-your-face Bravia! Literally. :shock:

    Jeez, para kang nakaupo sa first row ng sinehan. Huwag kayong magtaka kung ang next pic na ipo-post ko dito eh duling na Ella Lol :lol:

    Next Issue: Ang sofa set sa sala

     
    • IKAY 4:51 pm on June 12, 2010 Permalink | Reply

      ahihi…ang kyut kyut na cguro ng munting tahanan nyo ni Boo mo….excited na talaga akong makita ang kabuuan nyang bahay -bahayan nyo.. :)

    • Baby Boy 4:54 pm on June 18, 2010 Permalink | Reply

      Nice TV. Ang laki nga ng TV na yan sa room niyo. Well at least you got this cinema vibe. Yun nga lang front row seats ang dating. =)

    • Fedz 12:21 am on July 28, 2010 Permalink | Reply

      Hi Ella … ^_^
      Ella kakatapos q lg ngaun basahin ung book about sau … grabe super like q tlga ung story .. subrang na aliw aq .. pinahiram lg sakin 2 ng prof. q na galing La salle .. ganda moh pla .. hehehe … sana mapansin moh ng blog q ..

    • mhedz 1:36 pm on January 31, 2011 Permalink | Reply

      hi mrs.ella i;ve been super duper inspired po sa book m katatapos q lang mabasa ngaun lang..kakabili lang ksi ng bf ko kahapon ang book na aksidenteng napadaan lang kmi sa national bookstore to buy a stamp for his lil child…im happy for you i work at night kasi kaya super interesting aq sa kwnto meron pa po ba kau iba book na inilabas maliban sa diary ni ella.?its better to late than never to have your book…..goodbless

    • Watusi 5:38 am on February 19, 2011 Permalink | Reply

      Hi Ella,

      Sa wakas, nakabili na ako ng book mo…at naumpisahan ko ng basahan… nakakatuwa….

    • Call Center Guy 4:16 am on March 20, 2011 Permalink | Reply

      Nice! Ang taray! ang laki! ang ganda!

    • ph1l1p 10:58 pm on April 17, 2011 Permalink | Reply

      sana ako din meron kahit tatak..buhin lang. hehe

  • ella 5:37 am on May 22, 2010 Permalink | Reply
    Tags: , Ella's kitchenette   

    Ella’s kitchenette 

    Oops it’s been months  since my last post. Sorry po. You think I should grow another set of hands? Twenty fingers for 6 blogs should be enough, I guess hehe  :wink: And a second keyboard, of course.

    Anyhoo, here’s an update on our new little house. These past 2 months, naging busy kami ni Boo sa kaka-butas ng mga dinding. Butas dito, butas doon. For the aircons, the curtain rods and some useless stuff. Drill dito, drill doon. And we’re available to oversee the job on weekends only.

    You can imagine the dust all those drillings left all over the place. As in everywhere you look, ang  dumi!  Hanggang sa butas  ng ilong namin (gross!).  Hindi ko alam kung paano nakapasok sa loob ng mga cabinets ang alikabok , but there they were, sobrang kapal. Grabe, kailangan talagang butasin na ang lahat ng dapat butasin bago  magpasok ng furniture.

    Pagkatapos,  major cleaning naman. Nag-hire na ako ng dalawang taga-linis. Mawiwindang ang byuti ko sa kaka-kuskos ng mop at kaka-floor wax  sa sahig noh! After 2 days of cleaning, ready na ang munting bahay namin sa mga kasangkapan.

    Ang kusina

    kusina

    O di vah? Walang fridge, walang cooking range, wala kahit ano hehe Teka, may gripo naman kami :razz:

    plates

    Uy, meron naman palang apat na plato, anim na bowls, apat na tasa at mga kutsara't tinidor. Ibig sabihin dalawa lang dapat ang bisita nyahaha :lol:

    cabinet

    Oist, teka, may secret stash nga pala ako ng serving dishes, anim na piraso. Hey, color coding 'yan :wink:

    Next issue: ANG LIVING ROOM

     
    • Nikki 8:04 pm on May 22, 2010 Permalink | Reply

      Ang ganda ng kitchen nyo Ella! Very clean lines, parang ang sarap magluto dito. Aabangan ko ang living room.

      Teka pala, na-curious ako… pano yung color coding ng serving dishes? :-D

    • IKAY 12:06 am on May 24, 2010 Permalink | Reply

      ang ganda nman ng kichen mo…khit wala png gamit masydo prang ang sarap ng mgluto… :D

    • Baby Boy 3:18 am on June 4, 2010 Permalink | Reply

      I so envy your kitchen! I like it!

  • ella 8:49 pm on February 14, 2010 Permalink | Reply  

    You win some, you lose some 

    Senti mode

    Not everyone knows the story of Ella Rose. Ate Ella of the net. She started writing the chronicles of her life’s journey in August of 2005. She was twenty-one. Magli-limang taon na ang nakakaraan.

    Nagkaroon siya ng maraming kaibigan sa blog na tinawag niyang blogkada.  Meron ding sumulpot na mga kaaway. Nang gawing libro ang mga kuwento sa blog niya, napilitan siyang isara ang original blog kung saan siya nakilala bilang  Ella. Mahigit isang taon din siya sa blogspot.

    Na-miss ni Ella ang pagkukuwento sa  mambabasa niya. Nagtayo siya ulit ng blog sa wordpress.com na may pamagat na Ella Rose.  Doon nila itinuloy ang blogkadahan. Isang taon din siya sa wp.com bago niya naisipang subukan ang dot.com. Nagbayad siya ng host/server at nabuo ang Blog ni Ella.  Tatlong taon na last January ang Blog ni Ella. She has published more than 600 posts in that blog.

    Nadagdagan ang sumubaybay sa buhay ni Ella. Ilan na lang ang natira sa original blogkada niya. Marami na ang tuluyan nang nawala.Dumami nang dumami ang sumulpot na bagong blogs sa Pinoy blogosphere. Nasa milyon na sila.

    Patuloy pa rin sa pagkukuwento si Ella sa mga kaibigan at kapirasong faithful audience niya. Naghatid-balita tungkol sa mga nakikita niya sa paligid, sa mga lakwatsa niya sa Pilipinas at sa ibang bansa, nag-komentaryo sa mga social issues. Natutong magmahal, nabigo, nagmahal ulit.

    Sa loob ng limang taong pagsusulat, marami na ring  naligaw, nadapa at sumilip sa mga blog ni Ella.  Marami siyang naging bagong kaibigan. They came and went. A few stayed.

    Matagal nang balak iwan ni Ella ang blogosphere. Hindi lang isang beses siyang nagpaalam. Her  readers, her cyber friends of five long years are the only reason she stayed. Ella continued to write…for the friends of Blog ni Ella.

    Then, DSWD and Dr. Cabral happened. Ella never apologized for that post. Given the same situation, without batting an eyelash, she will do it again.

    Everyone who followed this unusual case took sides, bloggers, readers and Ella’s friends.

    And Ella learned a lot about “friendship”.  Marami din palang nagkunwaring kaibigan ni Ella all those blogging years. During the “siege” of blog ni Ella ng mga attack dogs of war  last October,  ang mga “kaibigang” ito ay mabilis pa sa alas-kuwatrong tumalikod at tuluyan nang naglaho. Maybe, never to set foot on her blog again.

    She took it with a grain of salt. Maybe these guys never really liked her. There’s worse stuff she learned from this.  May mga “great pretenders” pala sa blog niya. Hindi lang naglaho ang mga “kaibigan” niyang ito. Sa ibang blog sumusulpot sabay doon nagbunganga laban sa kanya. Bakit kaya sila nagpanggap kung hindi naman pala nila type si Ella dati pa? Masakit siya.

    But alas, God is good. He gave Ella new friends, bloggers and readers she never knew before. They fought for what Ella stood for.

    And as sure as the sun will rise each day, these new found friends will keep fighting, not only for the Ellas of this world, but  for what they believe is just and right.

    Marami pong salamat, God, sa mga bagong kaibigan.

     
    • yoming 5:49 am on February 15, 2010 Permalink | Reply

      you are welcome. kahit dito sa canada, o sa disyrto sa china, lagi ko pa ring sinusubaybayan ang blog ni ella, nandiyan man si cabral o wala hehe. happy chinese new year.

      • ella 4:13 am on February 16, 2010 Permalink | Reply

        Hi Yoming,

        Yes, I know. This is a thank you post for friends like you who stood by me no matter what. Senti talaga ang mood ni Ella. hehe wait, disyerto sa China? Anong ginagawa mo doon?

        • katrina 11:06 pm on February 18, 2010 Permalink | Reply

          i’d like to think that i’m one the few who stick around and stays with you no matter what…

          • ella 8:19 am on February 19, 2010 Permalink | Reply

            Hi Kat,

            Naku sobra. Kat. Noong nakaraang October, kapag nakikita ko ang name mo sa comment box, smile todo-todo ako hehe.I loved the way you answered those attack dogs :wink:

    • harcy 2:37 am on February 23, 2010 Permalink | Reply

      dont worry ate win or loose di ka namin iiwan…lagi lang kaming andito nagmamahal at sumusoporta sayo..

    • Nikki 8:03 pm on February 23, 2010 Permalink | Reply

      Oo nga noh, ang tagal na pala nating magkakakilala. Na miss ko tuloy si Pat. Sana kahit hindi ako madalas nakakadalaw sa ‘yo dito, alam mo na forever ang support ko sa ‘yo.

    • emily 1:49 am on March 3, 2010 Permalink | Reply

      Yeah..Ella has gone thru a lot and has evolved. We enjoy reading your adventures and contributing our thoughts in your blog so ..THANK YOU! Have a good day!

    • oohLala 5:07 pm on March 26, 2010 Permalink | Reply

      Huh!
      Grabe!
      Suspense.
      Akala ko tuluyan ka nang magpapaalam!

      May God always bless you and your family! XOXO

    • Baby Boy 3:22 am on June 4, 2010 Permalink | Reply

      Ganun talaga ang buhay. People come and go ika nga. Minsan nga lang masakit sa kalooban natin na iniiwan tayo dahil sa mga mabababaw na dahilan. Ganun pa man, agos lang.

      Habang binabasa ko ang blog mo naalala ko ang isang sulatin sa magasin tungkol sa isang blogger na ang pangalan ay Ella at ginawa itong libro. Ikaw pala yun!

      Let me say na I feel honored to bump into you in the blogosphere!

c
Compose new post
j
Next post/Next comment
k
Previous post/Previous comment
r
Reply
e
Edit
o
Show/Hide comments
t
Go to top
l
Go to login
h
Show/Hide help
shift + esc
Cancel
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.