Bawal ang break up

BreakingUp small 2

Naikuwento ko na sa inyo ang pamamanhikan ni Pixel Heart a.k.a Boo. Ibig sabihin noon, nahingi na niya ang kamay ko kay Tatay. At mabilis pa sa alas-kwatrong ipinasa naman sa kanya ni Tatay ang kawawa kong kamay.

May kasama palang “fine print” ang hingian ng kamay hehe😯 Hindi nabasa ni Boo ang caveat emptor – No return, no exchange  LOLz😆

Sumabog na parang bulkan

Ganito kasi ‘yon. The weekend na sumabog sa internet ang isang post ko was the busiest time of my life.  Sobra. Nag-crash ang blog ni Ella. Hindi nakaya ng server ang activity ng site, they had to close it down.

Sa totoo lang, hindi ko alam na down pala ang site kaya matagal tuloy siyang nawala. Nasa office ako noon dahil ang dami kong trabaho. Yes, Virginia, hindi armchair blogger ang ate ‘nyo. I have a normal  life and a demanding job outside the net. Hindi ako nakatira sa blog.

Busy sa trabaho

Nataon namang it was the busiest week of the month sa trabaho ko. I was swamped. Quarterly performance reports, internal audits, cultural awareness initiatives, marketing collateral development, etc.

Lahat ‘yon dapat kong matapos before the month ends. Hindi siya madaling trabaho, I tell you. Inaabot ako ng 11:00 p.m. sa opis.

Sumabay pa ang siege sa blog ni Ella. Pag-uwi ko noong Friday, nagulat ako, 404 not found ang site ko. I had to email my server to request for unlimited bandwith to get the blog running again. They agreed but they had to disable all the plug-ins. Hindi talaga kaya.

The siege

Hindi na ako nakatulog that weekend. Naka-moderate ang comments kaya kailangang kong i-approve isa-isa. Eh putsa, hundreds ang nagco-comment. Kailangan ko siyang harapin talaga. Hindi ko na nga matandaan kung that weekend din lumabas ang infamous “rotting goods” news program.

Nasa tabi ko si Boo all the time. Sa TV room na siya natulog. Hindi niya ako iniwan. Siya ang naghahanda ng pagkain ko sabay iaakyat sa kuwarto ko.

Parang mga sundalo

Imagine this: Tatlong computer ang nasa harap ko that weekend. My desktop and my two laptops side by side. Pucha parang mga sundalo. May dalawang presentation ako sa bosses at clients sa Monday, powerpoint. Kailangan ko siyang tapusin.

At the same time, I had to manually close everything sa blog ko, 600 posts, dahil ginawa nang “open season” ang blog ni ella. Parang public park na pasyalan ng mga detractors. Kailangan yata ang “casing the joint” sa demolition job nila. Tinulungan na ako ni Boo at Ana sa pagsasara ng tatlo pang blogs ko.

There were requests for an interview from TV and radio news stations sa email ko. Hindi ko alam kung “agree o decline”. Marami sila, dapat ko bang pagbigyan lahat ‘yon?

Sabi ni Boo at Ana, “Ano pa ba ang sasabihin mo? You said everything in your post, di ba?”

I followed their advice.

Ibang level ng stress

Sunday morning. Hindi ko naalalang may appointment nga pala kami ni Boo. Ilang months na rin kaming house-hunting.  I saw one that I liked kaya magbibigay na siya ng earnest money that Sunday. Niyaya na niya ako. Hindi ako sumagot. Tinatapos ko pa ang report ko para sa office.

“Halika na, may imi-meet tayo, ‘di ba?  Isasara ko na ang laptop mo ha?”,  malambing na tanong ng aking fiancee.

“Huwag mo ngang pakialaman ‘yan. Hindi mo ba nakikita hindi pa ako tapos?” padabog na sagot ko. Ni hindi ko siya tiningnan.

Itinuloy ko ang trabaho at pagsilip-silip sa blog ko. Hindi ko napansin, wala na si Boo sa tabi ko. Lalo akong nagalit. Umalis siya nang walang paalam. Tinext ko siya:

“Is that what you want? Fine. Wag ka nang babalik dito ha!”

Putsa, hindi sumagot. Maghapong walang reply. Umakyat sa ibang level ang galit ko. Pinatay ko ang cell phone at itinapon sa basurahan.

thbreakingupLooking back, I think I had a totally short fuse that day.  Stressed out na masyado. Tambak na ang  trabaho ko, wala pang tulog, sabay ginabaan pa ang blog ko. I can only take so much in three days. I needed him by my side. Feeling ko kasi inabandon ako. Pero sa totoo lang, na-stress na rin siguro si Boo.

Breaking up is hard to do

First time kaming nag-away. Nilagay ko sa isang plastic bag ang mga gamit niya sa kotse ko. Tinext ko siya na isoli lahat ng gamit ko sa kotse niya.  Isosoli ko na rin ang sinsing niya . Siyempre, pinulot ko ulit ang cellphone sa basurahan, noh (pero hindi pa rin sumasagot, bwiset).

“Oy, Ella, ano na namang kalokohan ‘yan?” tanong ni ama.

“Break na kami ni Boo. Ayoko nang magpakasal sa kanya.”

“Hey, hindi puwede ‘yan,” singit ni Ana. “Namanhikan na. Consider the merchandise sold nyahaha!”

“What the…? Tataaay! Ayoko nang mag-asawa!” malakas na ngawa ko.

“No return, no exchange. Binigay ko na ang kamay mo, wala nang solian,” sagot ni Tatay.

“Waaah!”

Hmmm…now I’m sure, desperado talaga si ama sa pag-aasawa ko.

Kiss and make up

Nang gabing ‘yon, paglabas ko sa office, nakita ko ang kotse ni Boo sa harap ng building namin. Binuksan niya ang pinto ng kotse. Hindi ako agad pumasok. Feeling ko pa sanang mag-inarte pero na-miss ko na siya.

Hindi ko pa naisasara ang pinto pag-upo ko sa car, hinalikan na ako ni Boo sa pisngi sabay hawak nang mahigpit sa kamay ko.

“I missed you,” mahinang sabi niya.

Sus, syempre pa, hindi na ako nag-inarte, noh hehe.

shy sign