You win some, you lose some

Senti mode

Not everyone knows the story of Ella Rose. Ate Ella of the net. She started writing the chronicles of her life’s journey in August of 2005. She was twenty-one. Magli-limang taon na ang nakakaraan.

Nagkaroon siya ng maraming kaibigan sa blog na tinawag niyang blogkada.  Meron ding sumulpot na mga kaaway. Nang gawing libro ang mga kuwento sa blog niya, napilitan siyang isara ang original blog kung saan siya nakilala bilang  Ella. Mahigit isang taon din siya sa blogspot.

Na-miss ni Ella ang pagkukuwento sa  mambabasa niya. Nagtayo siya ulit ng blog sa wordpress.com na may pamagat na Ella Rose.  Doon nila itinuloy ang blogkadahan. Isang taon din siya sa wp.com bago niya naisipang subukan ang dot.com. Nagbayad siya ng host/server at nabuo ang Blog ni Ella.  Tatlong taon na last January ang Blog ni Ella. She has published more than 600 posts in that blog.

Nadagdagan ang sumubaybay sa buhay ni Ella. Ilan na lang ang natira sa original blogkada niya. Marami na ang tuluyan nang nawala.Dumami nang dumami ang sumulpot na bagong blogs sa Pinoy blogosphere. Nasa milyon na sila.

Patuloy pa rin sa pagkukuwento si Ella sa mga kaibigan at kapirasong faithful audience niya. Naghatid-balita tungkol sa mga nakikita niya sa paligid, sa mga lakwatsa niya sa Pilipinas at sa ibang bansa, nag-komentaryo sa mga social issues. Natutong magmahal, nabigo, nagmahal ulit.

Sa loob ng limang taong pagsusulat, marami na ring  naligaw, nadapa at sumilip sa mga blog ni Ella.  Marami siyang naging bagong kaibigan. They came and went. A few stayed.

Matagal nang balak iwan ni Ella ang blogosphere. Hindi lang isang beses siyang nagpaalam. Her  readers, her cyber friends of five long years are the only reason she stayed. Ella continued to write…for the friends of Blog ni Ella.

Then, DSWD and Dr. Cabral happened. Ella never apologized for that post. Given the same situation, without batting an eyelash, she will do it again.

Everyone who followed this unusual case took sides, bloggers, readers and Ella’s friends.

And Ella learned a lot about “friendship”.  Marami din palang nagkunwaring kaibigan ni Ella all those blogging years. During the “siege” of blog ni Ella ng mga attack dogs of war  last October,  ang mga “kaibigang” ito ay mabilis pa sa alas-kuwatrong tumalikod at tuluyan nang naglaho. Maybe, never to set foot on her blog again.

She took it with a grain of salt. Maybe these guys never really liked her. There’s worse stuff she learned from this.  May mga “great pretenders” pala sa blog niya. Hindi lang naglaho ang mga “kaibigan” niyang ito. Sa ibang blog sumusulpot sabay doon nagbunganga laban sa kanya. Bakit kaya sila nagpanggap kung hindi naman pala nila type si Ella dati pa? Masakit siya.

But alas, God is good. He gave Ella new friends, bloggers and readers she never knew before. They fought for what Ella stood for.

And as sure as the sun will rise each day, these new found friends will keep fighting, not only for the Ellas of this world, but  for what they believe is just and right.

Marami pong salamat, God, sa mga bagong kaibigan.