In-your-face thingies

Hehe akshuli it’s in OUR face.

A couple of weekends ago, nagkaroon ng huge sale ang Sony. Dahil wala pa nga kami kahit anong major appliance, sumugod kami ni Boo sa sale to buy a TV set for our little house. A 32 inch W series Bravia would be nice…or whatever was available sa budget namin.

Maaga kami ng Saturday, second day of the 3-day sale. Big mistake. Halos wala na kaming inabutan. Up to 50% ang discount on all items. People gobbled them up. Ang daming nagkaskas ng credit cards hehe. Kasama na kami doon, of course.

Dahil ‘yon na lang ang last sa mga TVs (ubos na ang W series), napilitan na kaming kunin ang 40 inch V series ng Bravia.

Sony sale

sale

Nag-stop over pa ako dito ng matagal. Hinila ako ni Boo, 'Focus, baby, focus'. Hehe

box

We wanted a 32'' Bravia pero konti lang ang diperensiya sa presyo sa 40 in. TV

box 2

Shoot, we had to decide fast. Dalawa na lang 'yung natira sa 40'', nabili pa nung mama 'yung isa. Pinabuksan ni Boo 'yung last box. No turning back now.

If you remember, I bought a 40” Bravia for Tatay a couple of years ago. It was the latest series then. Nalungkot ako ng konti. Kalahati na lang kasi ang presyo niya even with all the goodies thrown in. Marami na kasing kasunod na model.

Eniweys, nagtatalo kami ni Boo kung saan siya ilalagay because I was pretty sure a 40 inch TV is too big for any of the rooms. Pero syempre, masaya pa rin dahil we have our own TV na, di ba? So, ayun, bumili na rin kami ng TV rack, pilit na isiniksik sa kotse lahat, inuwi sa munting bahay and Boo set it up sa sala.

We settled on the sofa. Binuksan ang TV. WHOA!! Amfotah, feeling ina-attack kami ng TV! Waaaah!😥

tv

See? Nakadikit na ang dulo ng sofa sa TV. Pucha, in-your-face Bravia! Literally.😯

Jeez, para kang nakaupo sa first row ng sinehan. Huwag kayong magtaka kung ang next pic na ipo-post ko dito eh duling na Ella Lol😆

Next Issue: Ang sofa set sa sala